Huling El Bimbo Lyrics – Eraserheads

Huling El Bimbo is one of the most beloved tracks by the legendary Filipino rock band Eraserheads. Known for its vivid storytelling and emotional depth, the song takes listeners on a reflective journey through youthful love and heartbreaking memories. With its poetic lyrics and melodic arrangement, Huling El Bimbo has become an anthem for generations, symbolizing bittersweet nostalgia and the pain of what could have been. The lyrics remain etched in the hearts of fans, making it a timeless masterpiece in OPM (Original Pilipino Music) history.

About Huling El Bimbo Lyrics

Album/Movie Cutterpillow
Music Composer
Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala, Marcus Adoro
Singer Eraserheads
Lyricist Ely Buendia
Release Date 1995
Duration 7:30
Language
Filipino (Tagalog)
Label
© BMG Records Pilipinas, Inc.

Huling El Bimbo Lyrics

Kamukha mo si Paraluman
No’ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-boogie man o cha-cha

Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig-balahibo

Pagkagaling sa ‘skuwela ay dederetso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay

Naninigas ang aking katawan
‘Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At pungay ng ‘yong mga mata

Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo’y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso, ooh

Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko

See also  Timeless Longing in There Is a Light That Never Goes Out Lyric

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay

La-la-la-la, la-la
La-la, la-la-la

Lumipas ang maraming taon
‘Di na tayo nagkita
Balita ko’y may anak ka na
Ngunit walang asawa

Tagahugas ka raw
Ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi’y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita, ha

Lahat ng pangarap ko’y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay

Magkahawak ang ating kamay
At walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko
Na umibig na tunay

La-la-la-la, la-la
La-la, la-la-la
La-la-la-la, la-la
La-la, la-la-la